Bangka na biyaheng Simara-Calatrava nasiraan sa gitna ng laot

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Bumalik ng Corcuera Port matapos ang halos 30-minutong paglalayag ang bangkang M/B VJ Lines matapos na masiraan ng makina sa gitna ng laot kaninang umaga.

Patungo sana ang bangka sa Calatrava, Romblon lulan ang mga pasaherong naiwan ng regular trip ngayong araw.

Ayon sa mga pasahero, nagulat nalang sila ng biglang tumigil at nagdesisyon na bumalik ng pantalan ang nasabing bangka.

Ligtas naman umano sila lahat na nakadaong.