Kuryente sa Corcuera, 24 Oras na.

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Simula kahapon, April 18, ay 24 Oras na ang kuryenteng natatamasa ng mga residente ng Corcuera, Simara Island, Romblon, ito ay ayon sa Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO).

Ayon sa ROMELCO, ang pagpapatupad ng 24 Oras na kuryente sa isla ay dahilan ng kanilang pagtutok kasama ang National Power Corporation sa Simara Island para makamit ng mga residente roon ang magandang serbisyo.

Masaya namang tinanggap ang magandang balita ng mga residente ng Corcuera, ayon sa kanilang malaking bagay ito lalo ngayong mainit ang panahon gayun na rin sa pagdami ng mga turistang bumibisita sa isla.

Ayon sa ilang nakausap ng Romblon News Network sa lugar, malaking bagay umano ito at pagbabago simula ng pumasok ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa isla.