Corcuera, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 27 September 2015

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Corcuera, Romblon pasado alas-11 ng umaga kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng Department of Science and Technology, natukoy ang sentrol ng lindol sa layong 14 kilometro sa timog kanluran ng Simara Island.

May lalim ang lindo na walong kilometro at tectonic ang origin.

Wala namang naiulat na nasaktan sa Isla kasunod ng lindol.