Paghahanap kay Margil Faderagao, pinagpapatuloy ng PNP-Corcuera

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 26 August, 2015

Patuloy naman na pinaghahanap ng kapulisan ang isa pang lalake na kasabay ring nawala ng babaeng nakitulog lang sa kanyang boyfriend.

Ayon sa CMPS, pumunta rin sa sayawan ang lalake sa Barangay Colong-Colong noong Biernes ngunit hindi rin umano nakauwi.

Nakilala ang nawawalang lalake n si Margil Faderagao, residente ng Barangay Mangansag ng nasabi ring bayan.

Ayon sa kapatid nitong si Lhey Ramos, wala umanong kaaway ang lalakeng nawawala.

Batay sa kwento ng kapulisan, nakikipag-inuman umano si Faderagao sa kanyang mga barkada bandang alas-10 ng gabi ng bigla siyang umalis sa table nila at hindi na bumalik.

Sa mga makakita kay Margil Faderagao, maaari kayong makipag-ugnayan sa Romblon News o sa Corcuera Municipal Police Station sa 09395909157.