Bahay sa Calatrava, nabagsakan ng punong kahoy

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Calatrava, Romblon ang nabagsakan ng isang punong kahoy kahapon ng madaling araw kasunod ng tuloy-tuloy na pag-uulan sa lugar.

Ayon kay John Arvill Rabino, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan ng Calatrava, maaring lumambot ang lupa na kinatatayuan ng punong kahoy kaya ito natumba papunta sa bahay ni Rose Rabino.

Pasalamat naman si Rose Rabino dahil mag-isa siya sa bahay ng mangyari ang pagbagsak.

Hindi naman siya nasaktan sa aksidente.