RSU Cajidiocan, magdiriwang ng Campus Week sa susunod na Linggo

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 17 July 2015

cajidiocancajidiocanIpagdiriwang ng Romblon State University Cajidiocan Campus ang Campus Week Celebration sa July 20-24, 2015 na inaasahang dadaluhan ng mga Estudyante at Staff ng paaralan. Ito ay may temang 'RSU Cajidiocan Campus: Finding Avenues in Facing Challenges in Toughest Test of Time for Greater Heights'.

Magiging highlight ng selebrasyon ang parade of nations na kung saan mananalo ng pabuya ang grupo na merong pinakamagandang float at costume. Magkakaroon rin ng Ground Demonstration, Cheerdance Competition, Sports Competition, IT Day, FES Day, Sayawitain 2015 at Search for Mr. and Ms. RSU Cajidiocan 2015.

Kasabay ng Nutrition Month, magiging highlight rin ng selebrasyon ang Agro-Fair & Nutrition Month Celebration.