
Nakaligtas sa tangkang pananaga ang isang konsehal ng bayan ng Cajidiocan, Romblon batay sa ulat ng Romblon Police Provincial Office nitong Martes ng umaga.
Naganap ang tangkang pananaga kay Konsehal Benito Romero Male, 43, bandang alas-6:20 ng gabi sa Barangay Marigondon, Cajidiocan, Romblon.
Sa imbestigasyon ng Cajidiocan Municipal Police Station, si Konsehal ay nasa farm kasama ang kanyang katiwala nang biglang dumating ang lasing na suspek na si Harrison Rayos Male kasama ang kanyang kapatid.
Nagwawala umano ang suspek ngunit napigilan ito ng biktima at pinaalis.
Maya-maya, bumalik ang suspek dala ang isang bolo at sinubukang tagain ang biktima ngunit nabawi ng caretaker ng konsehal ang bolo.
Naaresto naman kinalaunan ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag.
Patuloy na iniimbestigahan ng Cajidiocan Municipal Police Station ang nasabing insidente habang nakakulong sa kanilang estasyon ang suspek.



