
Tiklo sa isang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng PIB-Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang businessman sa bayan ng Cajidiocan matapos di umanoy mabilhan ng pinagbabawal na shabu nitong hapon ng Martes, December 04.
Kinilala ni Police Supt. Richard Ian Ang, ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek ng buy-bust operation na si Cornelio Reyes Hernandez, 56-taong gulang, at residente ng Barangay Poblacion, Cajidiocan, Romblon.
Ayon sa pulisya, nakuha di umano sa suspek ang P500 na buy-bust money, at dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Nakakulong na si Hernandez at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Wala pang pahayag ang suspek.



