Mag-amang Ramos sa Cajidiocan, sabay na naghain ng Certificate of Candidacy sa COMELEC

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesdy, 14 October 2015

Opisyal na ring naghain ng kaniyang certificte of candidacy ang incumbent Mayor ng bayan ng Cajidiocan na si Nicasio Ramos kahapon ng umaga sa COMELEC Cajidiocan.

Si Ramos ay tatakbo dala ang pangalan ng Nationalista Party at isa rin sa mga Mayor na pambato ng LP-NP o BuLongTik Coalition ng Romblon.

Kasamang ni Ramos na nagfile ng COC ay ang kanyang anak na si Marvin Ramos na tatakbo rin sa pagka-konsehal ng nasabing bayan.

Ayon sa nakababatang Ramos ng makausap ng Romblon News, ito umano ng unang pagkakataon na papasukin niya ang pulitika.

Sinabi niya rin sa kanyang Facebook Post na bata pa umano siya ay nangangarap na siyang paglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Ang grupo ng mag-amang Ramos ang unang kandidato na nag file ng kanilang certificate of candidacy sa bayan ng Cajidiocan simula nitong Lunes.