10 Mangingisda sa Cajidiocan, arestado dahil sa paggamit ng compressor

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado sa bayan ng Cajidiocan nitong hating gabi ng August 03 ang sampung mangingisda na gumagamit umano ng mga iligal na kagamitan sa pangingisda katulad ng compressor.

Ayon kay Police Senior Inspector Edwin Bautista ng Cajidiocan Municipal Police Station, nagsagawa umano ang kanilang grupo ng seaborne patrol sa sea water ng Cajidiocan nang maaktuhan ang 10 kalalakihan na nangingisda gamit ang compressor.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Ernesto Ramilo Rabino, 49 years old; Pancho Serdilla Luzong, 43 years old; Michael Rom Rabino, 32 years old; Mario Rabida Rabalo, 38 years old; Jhonny Rase Magabanua, 38 years old; Richard Dumalaon Fullero, 26 years old; Joshua Rojas Roda, 25 years old; Robert Tiodosio Royo, 28 years old; Junito Roa Rabo, 38 years old; at Nomer Donggon Roda, 48 years old.

Ang sampu ay pawang residente ng bayan ng Cajidiocan.

{googleads center}

Ipinaliwanag ng Cajidiocan MPS sa mga nahuli na nilabag nila ang Municipal Ordinance na nagbabawal sa paggamit ng mga compressor bilang breathing apparatus sa pangingisda.

Nakuha sa sampu ang 3 bangka, 3 air tank compressor, halos 220 meters ng hose, 7 piraso ng spear gun, 3 piraso ng flashlight, 2 pares ng flippers, 3 piraso ng thermos chests na may lamang 50 kilo grams na iba't ibang klaseng isda na nagkakahalga ng halos P8,500.

Dinala na ang mga mangingisda sa Cajidiocan Municipal Police Station par masampahan ng kaukulang reklamo.