Fire hits portion of a mountain in Banton Island

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Raymund Fadriquela/FBPhoto Courtesy: Raymund Fadriquela/FB

Isang sunog ang sumiklab sa isang bahagi ng bundok sa Barangay Toctoc sa Banton Island, Romblon nitong hapon ng Biyernes, April 26.

Ayon sa mga residente sa lugar, nagsimula ang sunog ilang minuto palang makalipas ang ala-una ng hapon.

Nasa lugar na ang mga barangay officials ng Barangay Toctoc para tingnan ang pinsala ng apoy, at para na rin maiwasan pang kumalat ito.

Hindi pa tukoy kung saan at ano ang pinagmulan ng apoy.