by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 22 August, 2015
Nailigtas na kaninang umaga ang 7 sakay ng pumpboat na M/B Alad Express 1 na lumubog pasado alas-5 kagabi sa pagitan ng Sibale at Simara Island.
Ayon kay Governor Eduardo Firmalo, nailigtas ng mga awtoridad sa tulong ng mga residente ng Banton ang mga crew matapos mamataang palutang-lutang sa dagat na sakop ng Banton Island.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Romblon News nakilala ang mga sakay ng M/B Alad Express 1 na sina: Antonio Morgado Ton, John Paul Morgado Marquez, Jonathan Mutya Marabito, Reymar Montojo Rodas, John Rey Fronda Aguilar, Ronron Abreo Musa, Rikki River Marbilis mga residente ng Barangay Poblacion, Romblon, Romblon.
Kasalukuyang nasa Banton Municipal Police Station ang mga crew at nagpapahinga na.



