Hinihinalang katawan ni PO2 Masajo, natagpuan sa Masbate

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Satuday, July 25, 2015

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang bangkay na natagpuan ng dalawang mangingisda na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion, Cawayan, Masbate.

Ayon sa mga awtoridad, nasa decomposition state na ang bangkay na napadpad sa lugar.

Tinatayang nasa 23-25 anyos na ang naagnas na bangkay,

Ayon sa report ng Bombo Radyo Legaspi, may suot ang lalakeng shorts at puting damit.

Kasalukuyang nasa Cawayan District Hospital para sa post morterm examination para alamin ang dahilan ng pagkamatay nito.

Hindi naman isinasantabi ng pulisya na maaaring si PO2 Paul John Masajo ito na nawawala simula pa noong nakaraang Linggo matapos na lumubog ang sinasakyang bangka na patungo sanang Banton Island, Romblon.