Mga estudyante nakiisa sa earthquake drill sa Alcantara, San Agustin, at Santa Maria

Written by Geraldine Galicia

by Geraldine Galicia, Romblon News / with reports from Renand Pastor and Jackey Tapao | Wednesday, 22 June 2016

Nakiisa rin ang mga estudyante ng Tugdan National High School sa Alcantara sa 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw.

Sa kabila ng masamang panahon, itinuloy parin ang drill.

Ipinaalala ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga bata ang tamang gagawin pag may lindol.

Ayon sa mga awtoridad, dapat unang gagawin umano ay 'dock, cover, and hold'.

Sa  Holy Rosary Academy naman sa San Agustin, itinuloy parin ang drill kahit na umaambon.

Pinalabas ang mga bata sa mga silid-aralan pasado alas-9 ng umaga habang naka cover ng kanilan gmga ulo at pinapila sa basketball court.

Ilang mga kunyaring sugatan rin ang ni-rescue ng mga rescuers.

Nakiisa rin ang mga estudyante sa Santa Maria.

Sa Concepcion Norte Elementary School, tinuruan rin ang mga bata ng tamang gagawin kung may malakas na lindol na tumama sa bayan,