Mayor Pamorada, nabakunahan na laban sa Covid-19

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Mayor Riza PamoradaPhoto Courtesy: Mayor Riza Pamorada

Nabakunahan na ng Covid-19 vaccine ang alkalde ng bayan ng Alcantara na si Mayor Riza Pamorada, ang kauna-unahang government official sa probinsya na bakunahan ng gamot panlaban sa coronavirus disease 2019.

Ibinahagi ng alkalde, na isa ring doctor, ang larawan ng kanyang pagpapatruok sa kanyang FB account nitong Lunes.

Aniya, bilang isang medical doctor, ninais niyang mauna upang masiguro na ligtas hindi lamang ang kanyang sarili kundi gayun na rin ang kanyang pamilya at kanyang mga nasasakupan.

Makakapagbigay rin ito ng kompyansa sa publiko upang magpabakuna dahil magiging inspirasyon siya sa mga healthcare workers at mga residente ng kanilang bayan para pagkatiwalaan ang mga bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration.

Samantala, nagpapatuloy ang pagbabakuna ng Covid-19 vaccines ng AstraZeneca sa iba't ibang Rural Health Unit sa lalawigan.

Nitong Lunes at Martes, nagsimula ng magbakuna ng mga healthcare workers ang bayan ng Corcuera at Banton.