Health worker sa Alcantara, positibo sa Covid-19

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nag positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang isang health care worker sa bayan ng Alcantara, Romblon base sa resultang lumabas ngayong araw mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Ayon sa Rural Health Unit ng Alcantara, ang nasabing health worker ay isa sa 27 na sumalang sa mandatory RT-PCR testing noong February 10.

Dahil dito, pansamantala munang isasara ang Alcantara RHU ngayong Sabado upang sa isasagawang disinfection sa lugar.

Nagsagawa na rin ng contact tracing ang lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga nasakalamuha ng health worker.

Siya ngayon ay naka isolate sa Sitio Centro, Barangay Guiob at wala ring ipinapakitang sintomas ng virus.

"Lahat ng nakatira na ang bahay ay 500 metro ang layo mula sa index case ay pansamantalang pinatitigil sa kanilang bahay habang hindi pa tapos ang contact tracing," ayo sa RHU Alcantara.

"Lahat ng nakasalamuha ng index case apat (4) na araw (Feb 6, 2021) bago sya iswab ay inaanyayahan na makipagcoordinate sa BHERTs at Alcantara RHU Contact Tracing Team," dagdag pa nila.

Samantala, kinansela rin ang lahat ng mass gathering sa Barangay Gui-ob gayun at pinapayuhan rin ang mga food establishments at resorts sa bayan na huwag munang tumanggap ng mga bisita galing sa ibang bayan.