
Hindi pa man tuluyang nakakabangon ang ilang bayan sa probinsya ng Romblon sa pinsalang iniwan ng bagyong Tisoy sa probinsya noong nakaraang linggo, panibagong bagyo nanaman ang pinaghahandaan sa lugar.
Sa bayan ng Odiongan, Romblon nagpatawag na ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting kaninang umaga ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Council upang ihanda ang lahat ng evacuation centers sa bayan.
Nakahanda na rin ang mga recue vehicles na gagamitin ng MDRRM Office kung sakaling kailangan sa kasagsagan ng bagyo.
Sa bayan naman ng Alcantara, Romblon nagsimula ng mag repack ng mga relief goods ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ngayong umaga bilang paghahanda kung sakaling may mga kailangang ilikas patungo sa evacuation center dahil sa bagyong Ursula.
Nakahanda na rin umano ang kanilang mga evacuation centers para pansamantalang tuluyan ng mga ililikas dahil sa bagyo.
Nakataas parin ang signal number 2 sa lalawigan.



