
Mahigit 1,000 na puno ng "Banay-banay" ang itinanim ng isang grupo ng mga campers sa bahagi ng kabundukan ng Barangay Calagonsao, Alcantara, Romblon ngayong araw.
Ang programa ay inorganisa ng grupong Romblon Campers sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Striking Incridible Cyclists of Alcantara Dreamers (SICAD), at ng Pamahalaang Barangay ng Calagonsao.
Ayon kay Dexter Determinado, isang blogger, layunin umano nilang mga miyembro ng Romblon Campers na magtanim ng mga puno sa bawat lugar na pupuntahan ng kanilang grupo bukod sa matulungang tuklasin at mapuntahan ang mga posibleng tourist spot.
Dagdag nito, kahit masukal ang daan, at malayo ang lakarin, hindi ito naging alintana sa grupo para lang magawa ang kanilang adhikain.
Nagpasalamat rin sila sa DENR dahil sa assistance na binigay ng ahensya para matuloy ang kanilang programa.
