
Dahil sa sunod-sunod na motorcycle accident sa bayan ng Alcantara na kinasangkutan ng mga asong gala, nagsagawa nitong Biyernes ang mga tauhan Office of the Provincial Veterinarian (ProVet) kasama ang Alcantara Municipal Police Station ng operasyon para hulihin ang mga ito.
Ayon sa ulat ng pulisya, may aabot sa 18 na aso ang nahuli ng grupo na pagala-gala sa mga kalsada ng bayan.
Dinala ang mga aso sa impounding station at papayagan lang ang mga may-ari ng mga ito na ilabas kung sakaling makapagbayad sila ng multang aabot sa P500 kada isa.
Paalala sa Provincial Veterinarian Office, base sa Anti Rabies Act RA 9482, ang mga unregistered, gala at unvaccinated dogs ay dapat ilagay sa impounding stations or designated dog pounds ng munisipyo.
Maigi umanong walang gumagalang aso sa kalsada para ligtas ang mga motorista na dumadaan sa nasabing bayan.



