Grupo ng magsasaka sa Madalag, Alcantara; napagkalooban ng libreng araro ng Provincial Government

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 20 January 2016

Masayang nakipag photo-ops ang mga magsasaka sa Barangay Madalag sa Alcantara, Romblon matapos makatanggap ng libreng araro galing sa Romblon Provincial Government kanina.

Personal naman na inihatid ito ni Governor Eduardo Firmalo sa mga magsasaka kasama si Sanguniang Panlalawigan Member Felix Ylagan, Alcantara Mayor Eddie Lota, at ilang Sanguniang Bayan Officials.