Malakas na hangin at ulan ramdam rin sa Alcantara, Ferrol at San Fernando

Written by Romblon News

by Geraldine Galicia, Bebito Gado, Dash Andres/PJFRomblonNews | Thursday, 09 July 2015

Maaga pa lang, parang may bagyo na sa Alcantara, Romblon dahil sa malakas na hangin at ulan na naranasan sa lugar. Sa Tugdan National Highschool nga, basa ang ilang estudyante na pumasok sa paaralan kaninang umaga.

Malakas rin ang alon na nararanasan sa bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island, Romblon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nakapagtala sila sa bayan ng San Fernando ng halos 18.2mm na buhos ng ulan pasado alas-6 ngayong gabi.

Wala pa naman naipaulat na landslide at baha sa Isla ng SIbuyan.

Patuloy naman na binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang ilog ng Cantingas sa maaring pagtaas at pagapaw nito.

Sa Ferrol, Romblon naman, nakaranas rin ng malakas na ulan kaninang hapon.