Fiscalizer shot dead in Alcantara town

Written by Renand Pastor | Romblon News

Isang putok ng baril lamang ang kumitil sa buhay ng isang lalaki sa Barangay Calagonsao sa bayan ng Alcantara, Romblon kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Simplicio Yap Galicia, sikat sa bayan ng Alcantara sa pagiging fiscalizer nito sa ilang kaso sa lupa.

Ayon sa mga saksi sa pamamaril, bumaba ang gunman na naka-bonnet at naka-gloves sakay ng isang motorsiklo at lumapit kay Galicia na nasa harapan ng isang tindahan; walang anu-ano ay binaril ng gunman si Galicia sa ulo na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Dead on the spot si Galicia at hindi na nagawang maisugod sa Ospital.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng kanyang motorsiklo walang plate number.

Prinoproseso na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang crime scene habang patuloy ang imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station sa posibleng dahilan at ugat ng pamamaril.

Matatandaang nakaligtas sa pamamaril si Galicia noong 2013 matapos tambangan at paputukan ng pitong beses pagbaba nito sa Jeep mula Poctoy Port sa Odiongan. -- with reports from Eugene Mayor, Paul Jaysent Fos