Lalake sa Alcantara, minolestiya umano ang sariling anak sa unang araw ng 2016

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 8th January 2016

Kalaboso ang isang lalakeng residente ng Barangay Madalag, Alcantara, Romblon matapos isumbong sa pulisya ng kanyang 13-anyos na anak na minolestiya umano siya nito madaling araw ng January 01, 2016.

Ayon sa dalagita, lasing umano ang kanyang tatay ng halayin siya nito.

Batay naman sa mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station, nagkaroon na umanong may blotter ang suspect sa pulisya kaugnay parin sa parehong kaso.

Mariing namang itinanggi ng suspek na nakilalang si Rudy Manes, 52 taong gulang, na ginawan niya ng masama ang kanyang anak.

"Gusto lang po nila ako ipakulong kasi maingay ako pag nalalasing, wala po akong ginagawa sa anak ko, alam niya yun." pahayag ni Manes ng makausap ng Romblon News.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape at kasalukuyang nakakulong sa Alcantara MPS.