
Puno ng mga turista ngayong Black Saturday ang ilang sikat na pasyalan sa lalawigan ng Romblon kabilang na ang pinakasikat na resort sa bayan ng Alcantara sa Tablas Island.
Maaga palang, madami ng dumating na bisita sa resort kasama ang kanilang mga barkada at pamilya para dito magpalipas ng buong araw ng Sabado.
Ang iba naman kahapon pa nasa resort at mas piniling mag overnight rito kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nitong Biyernes Santo naman, ilang mga turista rin at magkakapamilya ang dumayo ng Barangay Tubigon, Ferrol para doon rin magpalipas ng kanilang araw.
Maliban sa white sand beaches, malinis na tubig ang habol ng mga turista sa dagat sa Romblon, habol rin nila ang naggagandahang tanawin sa paligid ng hindi mataong karagatan.
