CebGo cancels Manila-Romblon flights due to bad weather

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kanselado ngayong araw ang biyahe ng eroplano ng Cebu Pacific unit CebGo dahil sa masamang panahong nararanasan ngayon sa Romblon Airport sa Alcantara, Romblon.

Ayon sa Manila Ninoy Aquino International Airport, ang kanseladong flights ay ang DG6073 (Manila - Romblon) at DG6074 (Romblon-Manila).

Ang mga apektadong pasahero ay pwedeng tumawag sa Cebu Pacific para sa kanilang re-booking at assistance.

Ang masamang panahong nararanasan sa Southern Luzon at Bicol Region ay dahil sa umiiral na tail end of a cold front.