Photo Courtesy: Eugene Mayor
Sugatan ang mga rider ng dalawang motorsiklo sa Alcantara, Romblon matapos na masangkot sa aksidente nitong gabi ng Huwebes, September 13.
Ayon sa report ng Alcantara Municipal Police Station, bandang 6:30 ng gabi habang binabaybay ng rider na si Edwin Gaan, 20-anyos, estudyante, ang kahabaan ng national road sakay ang dalawa niyang angkas, bigla umanong lumiko sa kaliwa ang kasalubong nitong motorsiklo na minamenho naman ni Darwin Galin, 30-anyos dahilan para masalpok niya ito.
Hindi umano nag signal si Galin ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station kaya nagulat nalang si Gaan at hindi na nakapag full stop ng kanyang motorsiklo.
Tumilapon ang dalawang rider at nagtamo ng head injuries kaya agad silang isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Looc, Romblon samantalang nagtamo lamang ng galos ang dalawang sakay ni Gaan.
Dinala na sa Alcantara Municipal Police Station ang mga nasangkot na motorsiklo.
Patuloy na nagpapagaling ang dalawang rider sa ospital habang patuloy ring iniimbestigahan rin ng Alcantara Municipal Police Station ang nasabing aksidente.



