
Simula October 29 ay araw-araw nang babiyahe ang Cebu Pacific paalis ng Tablas Island, Romblon patungong Manila at pabalik.
Wala pang opisyal na announcement mula sa Cebu Pacific Air ngunit sa kanilang website at mobile application ay pwede nang mag book ng flight araw-araw simula October 29.
Ayon kay Kim Faderon ng Romblon Provincial Tourism Office, nagpadala ng sulat si Governor Eduardo Firmalo patungo aky Mr. Alexander Lao, CEO at President ng CebGo na sana madagdagan ang original schedule ng Cebu Pacific Air sa Tablas lalo na umano ngayong paparating ang MIMAROPA Festival 2017 na gaganapin sa Odiongan, Romblon.
Batay sa bagong schedule ng Cebu Pacific Air, aalis ang eroplano nila ng 7:55AM galing Manila patungong Tablas at aalis naman ng Tablas patungong Manila ng 9:50AM tuwing Martes, Huwebes, at Sabado habang tuwing Linggo, Lunes, Miyerkules at Biyernes naman ay aalis ng Manila patungong Tablas ng 12:05PM at aalis ng Tablas patungong Manila ng 1:50PM.
Para sa booking maari kayong pumunta sa: https://web.facebook.com/profile.php?id=129890964318064&ref=br_rs
{googleads center}



