Mga motoristang dadaan sa ilang National Road sa Alcantara, pinag-iingat

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
{googleads center}

Photo Courtesy of Nonong Marcelo/MDRRMO AlcantaraPhoto Courtesy of Nonong Marcelo/MDRRMO Alcantara

Pinag-iingat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Alcantara ang mga motoristang dumadaan sa ilang National Road sa bayan ng Alcantara dahil sa ilang umapaw na palayan.

Ayon kay Alcantara MDRRMO Nonong Marcelo, alas-4 palang umano ay nagsimula ng umulan ng malakas hanggang alas-10 ng umaga kaya ang sanhi ay ang pag-apaw ng ilang palayan sa Barangay Gui-Ob at Bonlao.

Ilang lugar na rin ang binaha sa Alcantara dahil parin sa pag-uulan. Nag suspendi na rin ng klase sa buong bayan si Mayor Eddie Lota kasunod sa rekomendasyon ng MDRRC na magsuspendi dahil sa masamang panahong dala ng Low Pressure Area na nasa loob ng Pilipinas.