
Binaha mag-alas 11 kagabi ang ilang lugar sa Barangay Madalag sa bayan ng Alcantara, Romblon dahil sa magdamagang ulang nagpa-apaw sa ilog sa lugar dala ng Low Pressure Area na namataan sa Silangan ng Luzon.
Umabot sa hanggang gutter ang baha na nagpalubog naman sa ilang bahay sa lugar.
Nagsimula umano ang pag-uulan alas-6 palang ng gabi at nagtagal ng hanggang madaling araw.
Humupa naman umano agad ang tubig sa lugar matapos na tumigil ang ulan.
{googleads center}
