1 Patay, 3 Kritikal; sa pagkahulog ng motor sa bangin sa Alcantara

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Isang lalaki ang napatay habang tatlo naman ang kritikal ang lagay ng maisugod sa Romblon Provincial Hospital matapos mahulog ang apat sa isang bangin sakay ng kanilang motorsiklo sa Barangay Lawan, Alcantara, Romblon kagabi, July 20.

Kinilala ang nasawi na si Edgar Garachico, habang ang mga kritikal naman ay sina Jonathan Garachica, 21; Jomari Gabuna, 24; at Nilo Ignacio, 23.

Sa imbestigasyon ng Alcantara PNP, bandang alas-10 umano ng gabi ng makatanggap sila ng tawag na may mga kabataan na nahulog sa isang bangin sa Barangay Lawan.

Mabilis umano ang patakbo ng motorsiklo at imbes na lumiko sa pakurbang bahagi ng kalsada ay dumiretso ito.

Madulas rin umano ang kalsada sanhi ng pag-uulan sa lugar.

Nakainum rin umano ang apat ayon sa mga rumispondeng medical team.

Naging pahirapan pa sa pag rescue sa apat ang may kalalimang bangin kaya natagal ang isinagawang rescue operation para dala ang apat sa ospital.