Kotseng nawalan ng kontrol, sinalpok ang isang tindahan

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Sira ang isang tindahan sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon matapos na salpukin ng isang kotse nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, nahulog umano ang gulong ng kotse sa gilid ng kalsada matapos na mag overtake sa isang tricycle at kalauna'y nawalan ng kontrol at inararo ang isang street light at ang tindahan.

Ligtas naman ang mga sakay ng kotse at ang driver nito na kinilalang si Alvin Bringas na isang nurse ng Rural Health Unit ng Alcatantara nguinit sinugod padin sa ospital ang mga sakay nito upang tingnan ang kanilang kondisyon.

Ligtas at wala din namang natamong gaanong galos ang mag driver at isang sakay ng garong.

Nangako naman ang pamilya Bringas na makikipagtulungan sila sa may-ari ng tindahan na kanilang nasira.