by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 25 August, 2015

Inihatid na sa huling hantungan ang labi ni Rezin Galicha ngayong araw, isang linggo matapos ang madugong krimen sa bayan ng Odiongan.
Dinagsa ang libing ni Rezin ng madaming tao kasama na ang kanyang mga kapamilya, ka-kaklase at kahit mga simpleng tao lang sa Alcantara.
Matatandaang namatay si Rezin matapos pagsasaksakin sa kanyang tinutuluyan na boarding house sa bayan ng Odiongan noong August 18. Nakaligtas ang pinsan ni Rezin na kasama rin sa boarding house noong panahong iyon.
Hanggang sa ngayon wala paring lead kung sino ang pumatay kay Rezin.
Isang araw bago ang libing ni Rezin, nagsagawa ng vigil ang mga estudyante ng Romblon State University sa loob ng campus na dinaluhan rin ng halos 300 estudyante.
Ipinalangin nila ang mas mabilis na pag hilum ng sugat na sanhi ng madugong pangyayari at ang mabilis na paglutas sa kaso.
Nanawagan rin sila na bigyan pa sana ng pansin ng mga awtoridad ang mahinang siguridad sa mga boarding na kanilang tinutuluyan.



