Dalawa, sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Alcantara

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Dalawang rider kabilang ang isang menor-de-edad na rider ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo kahapon ng hapon sa bayan ng Alcantara sa Tablas Island, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, bandang 5:20 umano ng hapon nitong October 29, binabaybay umano ng isang Rusi 100 na motorsiklo na minamaneho ni Collen Joy Jovelo, 22-taong gulang, ang kahabaan ng National Road sa Barangay Poblacion patungong Looc ng biglang may nag-overtake sakanyang motorsiklo at biglang nag u-turn na naging dahilan ng kanilang salpukan.

Ang rider ng sasakyan ay napag-alamang isang 15-taong gulang na estudyante.

Nagtamo ng minor head injury si Jovelo kaya isinugod ito sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital upang gamutin.

Dinala naman ang menor-de-edad sa presinto kasama ang kaniyang mga magulang upang kunan ng pahayag.

Nagkasundo naman ang dalawang panig at sinabing mag-uusap nalang sila.