Pumpboat na biyaheng Caticlan-Looc, sa Alcantara napadaong dahil sa malakas na alon

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Sa Looc Port sana sa Looc, Romblon ang diresto ng pampasaherong pumpboat na ito ngunit dahil umano sa hindi inaasahang pagkakataon sa pantalan sa bayan ng Alcantara ito dumaong kahapon ng hapon.

Galing umanong Caticlan ang MB Ashera na may lulang mga bigas ngunit naabutan umano sila ng paglakas ng alon.

Ayon sa kanila, malakas umano ang alon sa Looc Port kaya sa pantalan nalang sa Alcantara sila dumaong.