Lalakeng nagwala sa Alcantara, magpapalipas ng gabi sa kulungan

Written by Eugene Mayor | Romblon News

 

Sa kulungan na muna ng Alcantara Municipal Police Station magpapalipas ng magdamag si Jeluzpe David, residente ng Barangay San Roque matapos na magwala ito ngayong gabi.

Sa imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, sa sobrang kalasingan ni David kaya ito nagwala at halos sirain pa ang pintuan ng kanilang bahay.

Natakot rin ang buntis na asawa ni David at mga anak nito kaya nagdesisyon muna silang pahupa-in ang pagkalasing ni David sa presinto.