Halos apat na oras na brownout, mararanasan sa Tablas Island sa Sabado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Halos apat na oras ang mararanasan na brownout sa apat na bayan sa Romblon ngayong Sabado, August 22.

Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, ang mangyayaring brownout ay dahilan ng isasagawang pagkokompleto ng pag install ng SUWECO Power Plant tapping sa TIELCO distribution line bilang paghahanda sa phase in at phase out transition ng NAPOCOR at SUWECO.

Magsisimula ang brownout 8:30 ng umaga at magtatapos 11 ng umaga.

Ang mga apektado na lugar ay ang mga Brgy. ng Gabawan, Libertad, Tuburan, Tumingad, at Panique sa Odiongan, buong bayan ng San Andres at Calatrava, at lahat ng Brgy. sa bayan ng San Agustin maliban sa Brgy. Bachawan.