Sibuyan isinailalim sa Signal #1 dahil sa bagyong Dante

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Courtesy: PagasaCourtesy: Pagasa

Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tropical cyclone wind signal #1 ang Eastern portion ng Romblon ngayong alas-8 ng umaga dahil sa bagyong Dante.

Kabilang sa mga bayan na nasa signal #1 ay ang mga bayan ng Cajidiocan, San Fernando at Magdiwang, pawang mga nasa isla ng Sibuyan.

Ang bagyong si Dante ay namataan kaninang alas-7 ng umaga sa Philippine Sea o sa layong 270km east ng Maasin City, Southern Leyte.

Tinatahak nito ang west northwestward direction sa bilis na 20 km/h taglay ang lakas na 75km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 km/h.

Samantala, nakataas rin ang signal #1 sa mga lugar ng Camarines Sur, Catanduanes, Camarines Norte, ilang bahagi ng Albay, ilang bahagi ng Masbate kasama ang Burias Island, eastern portion ng Quezon kasama ang Polillo Island, northern portion ng Capiz, northern portion ng Iloilo, northern portion ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, northern portion ng Bohol, ilang bahagi ng Leyte at Southern Leyte, Agusan Del Norte, northern portion ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, at ilang bahagi ng Surigao del Norte.

Signal #2 naman sa estern portion ng Masbate (Mobo, Uson,Dimasalang, Cawayan, Palanas, Cataingan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza) kasama ang Ticao Island, Sorsogon, eastern portion ng Albay (Legazpi City, Manito, Santo Domingo, Bacacay, RapuRapu), Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, northern portion at central portion ng Leyte (Matag-Ob, Villaba, Ormoc City, Albuera, Burauen, Macarthur, Javier, Abuyog, La Paz, Mayorga, Tolosa, Dulag, Tabontabon, Julita, Tanauan, Dagami, Pastrana, Palo, Tacloban City, Babatngon, Alangalang, Santa Fe, Barugo, Tunga, Jaro, San Miguel, Carigara, Kananga, Tabango, Leyte, Calubian, Capoocan, San Isidro), estern portion ng Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan), nothern portion ng Dinagat Islands (Tubajon, Libjo, Loreto, Cagdianao), at Siargao at Bucas Grande Islands.