7 bayan sa Romblon isinailalim sa Signal #3 dahil kay Quinta

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nadagdagan pa ang mga bayan sa lalawigan ng Romblon na kasalukuyang nasa Tropical Cyclone Wind Signal no. 3, batay sa latest weather bulletin ng Pagasa (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) nitong alas-11 ng gabi ng October 25.

Ang mga bayan sa Romblon na kasalukuyang nasa Signal #3 ay ang Romblon, San Agustin, San Andres, Calatrava, Corcuera, Banton, at Concepcion.

Signal #2 naman ang nakataas sa natitirang bahagi ng probinsya ng Romblon.

Ang bagyong Quinta na ngayon ay isang Typhoon ay huling namataan malapit sa San Andres, Quezon taglay parin ang lakas na 125 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 150 km/h.

Gumagalaw patungong Westward ang bagyo sa bilis na 30 km/h at inaasahang maglandfall mamaya sa Bondoc Peninsula sa bahagi ng Quezon.

Inaasahang magpapaulan ngayong gabi hanggang bukas sa probinsya ng Romblon ang bagyong Quinta.