Romblon isinailalim sa Signal #2 dahil kay #AmboPH

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isinailalim na sa Signal #2 ang probinsya ng Romblon, ganun rin ang Marinduque, dahil sa bagyong #AmboPH batay sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang alas-5 ng hapon.

Huling namataan ng ahensya ang bagyong #AmboPH sa vicinity ng San Jose De Buan, Samar taglay ang lakas ng hangin na 155 kp/h malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 255 kp/h.

Gumagalaw itong patungong West sa bilis na 15 kp/h.

Inaasahang bukas Moderate to heavy rains ang mararanasan sa Marinduque at Romblon dahil sa bagyo.

Samantala, signal #1 naman ang nakataas sa probinsya ng Oriental Mindoro.