Light to Moderate rains affecting Romblon, says PAGASA

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan ang probinsya ng Romblon ngayong umaga ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Sa kanilang weather bulletin ngayong 9:30 ng umaga, sinabi nilang apektado rin ang kalapit na lugar ng Oriental Mindoro, Camarines Sur, at Catanduanes.

Magtatagal ang advisory hanggang 11:30AM.

Sa Odiongan, umaga palang ay malakas na ulan na ang nararanasan. Ang ilang estudyante, pahirapan sa pag pasok dahil sa malakas na ulan habang ang ilang motorista naman pinilit na bumiyahe dala-dala ang kanilang mga kapote.

{googleads center}