Robert Fabella naghain na election protest laban kay Cong. Toto Madrona

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 16 July 2016

Opisyal ng naghain kahapon, July 15, ng election protest sa Office of House of Representative Electoral Tribunal (HRET) si dating Calatrava Mayor Robert Fabella na natalo sa pagka-Congressman ng lalawigan ng Romblon noong nakaraang election.

Sa report ni Radyo Natin Odiongan reporter, Emmanuel Eranes, umabot ng 18 pages ang protest paper na ipinasa ni Fabella sa HRET.

Matatandaang nitong nakaraang election ay natalo ng 255 na boto si Fabella kay Congressman Emmanuel Madrona.