
Ang pagiging loyal sa mga asawa at partners ang isa sa pinakamainam na paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), ayon sa Romblon Provincial Health Office at sa Department of Health.
Sinabi ito ni Dra. Ederlina Aguirre, Romblon Provincial Health Officer, ng makanapayam ng mga mamahayag nitong Lunes sa isinagawang Kapihan sa PIA-Romblon.
Aniya simula umano 1984 hanggang sa unang quarter ng 2017 ay may naitala ng 30 kaso na nag-positibo sa HIV at pinakamaraming kaso ay nasa mga ng bayan ng Romblon at Odiongan. Sinabi pa ni Dra. Aguirre na apat (4) na rin umano dito sa mga kasong ito ay nauwi na sa acquired immune deficiency syndrome o AIDS.
"Karamihan lalaki kasi yung ano doon sa mga lalaki ay yung male having sex with other women." sinabi ni Dra. Aguirre.
Ayon naman sa Department of Health - Romblon, libreng mag pa-test ang lahat sa Social Hygiene Clinic sa Rural Health Unit ng Odiongan para masigurong ligtas at wala silang sakit na HIV o di kaya'y maagapan at hindi mauwi sa AIDS na pwedeng ikamatay.
Pinayuhan rin ni Dra. Aguirre ang mga may 'resky bahavior' na kung hindi maiiwasan ay gumamit ng condom para maiwasang mahawa ng sakit. May libre umanong mga condom na available sa mga rural health centers ng bawa't bayan ng Romblon, ayon sa Provincial Health Office.
Patuloy naman ang ginagawang kampanya ng Department of Health - Romblon sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office para masigurong hindi na dadami ang mga may sakit na may HIV.



