Free Zumba session in Odiongan every weekend

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Hindi na problema para sa mga taga-Odiongan ang pagpapayat dahil simula sa Sabado, maari na silang sumali sa Free Zumba Session hatid ng Local Government ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, Vice Mayor Mark Anthony Reyes at mga Sanguniang Bayan members.

Ayon sa post ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, bawat weekends ang free zumba session 5:00PM hanggang 6:00PM sa Barangay Tabin-Dagat Multi-Purpose Pavement sa Barangay Tabin-Dagat.

Meron ring free zumba session na hatid ang LGU-Odiongan bawat Martes at Huwebes, 5:30PM hanggang 6:30PM sa Odiongan Covered Court.

Bukas umano ito sa lahat ng gustong sumali para mapanatiling fit at malusog ang kanilang pangangatawan.

Ang Zumba Fitness ay isang Latin-inspired cardio-dance workout na gumagamit ng musika at choreographed steps upang bumuo ng isang fitness party atmosphere.