Drew arrives in Tablas for GMA's Biyahe Ni Drew

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Dumating na sa Romblon Airport si Kapusong Drew Arellano para sa gagawing taping ng isa sa kanilang episode ng Biyahe Ni Drew ng GMA News TV.

Sinalubong si Drew ng mga empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at mga tauhan ng Tablas Airport Police Station.

Inaasahang tutungo ang team ng Biyahe Ni Drew sa mga tourist spots ng mga bayan ng San Agustin, Calatrava, at San Andres sa Tablas Island.