Ilang kabataan sa Odiongan, nagbenta ng Ukay-Ukay para makalikum ng pera para sa mga binaha sa Catanduanes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes, nagsagawa ng fund-raising activity ang mga kabataan sa Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Inilunsad ng mga kabataan rito ang 'Ukay-Ukay for a Cause' kung saan ibinebenta nila ang kanilang mga 'pre-loved' na damit sa halagang P50.

Ayon kay Sangguniang Kabataan Chairman Jenilyn Fetalver ng Barangay Poctoy, nanghingi sila ng mga damit sa mga kabataan sa kanilang mga kabarangay upang ibenta sa murang halaga.

Target makalikum ng P10,000 na cash ang mga kabataan na ipapadala sa ilang pamilyang nasalanta ng nagdaang bagyo.

Para sa mga nabanggit na kabataan, hindi umano hadlang ang kahirapan upang tumulong sa mga mas nangangailangan.