2Go Travel, araw-araw na ang biyaheng Odiongan-Batangas-Odiongan simula August 28

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Simula sa darating na August 28, 2018 ay araw-araw nang maglalayag ang mga barko ng 2Go Travel mula Odiongan patungong Batangas at pabalik, ayon kay 2Go Romblon Manager Jason Fontelo.

Kasama ring magiging araw-araw ang biyahe ng mga barko ng 2Go Travel galing Odiongan patungo namang Caticlan at pabalik.

Ayon kay Fontelo, aalis ang kanilang barko ng Odiongan patungong Batangas ng 11:30 ng umaga araw-araw, habang alas-10 naman ng umaga ang alis ng Batangas patungong Odiongan, araw-araw rin.

"Wala ng 9pm. 10am na lahat, salubong [na] yung dalawang barko," ayon sa text message ni Fontelo sa Romblon News Network.

Aalis naman ng Odiongan patungong Caticlan ng alas-6 ng gabi, araw-araw.

Dagdag pa ni Fontelo, hindi nagbago ang fare matrix ng barko ng 2Go Travel sa mga nasabing ruta.