Siyam na pares ng magsing-irog, sabay na ikinasal sa Santa Maria

Written by Renand Pastor | Romblon News

Humabol sa pagdiriwang ng Father's Day ang siyam na lalaki sa Santa Maria, Romblon matapos na ikasal nitong Biyernes sa kani-kanilang kasintahan sa isang Kasalang Bayan sa Santa Maria, Romblon.

Isa na silang mga haligi o ama ng tahanang kanilang binuo at sinumpaan sa harap ni Santa Maria Mayor Artemio Madrid.

Sabay-sabay na nag "I Do" ang siyam na magsing-irog at sabay-sabay ring sinunod ang utos na "You May Kiss The Bride".

Ang nasabing Kasalang Bayan ay nasa ika-18 taon ng ginagawa sa bayan ng Santa Maria.