Romblomanon, pasok sa Final 4 ng "The Voice Kids Season 2"

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, RomblonNews | Wednesday, 26 August, 2015

Isang taga Romblon ang isa sa apat na kabataang pasok sa final 4 ng The Voice Kids Season 2.

Hindi hadlang ang pagiging probinsyana o promdi para kay Elha Mae Fronda Nympha para abutin ang pangarap at ipakita ang galing.

Si Elha Mae Fronda Nympha ay tubong Barangay Pagsangahan, Calatrava, Romblon.

Ayon sa ilang mga netizens, siy Elha ay nagtitinda lamang ng Banana Que sa mga paaralan sa bayan ng Calatrava bago ito na diskobre sa show.

Panawagan sa lahat ng mga Romblomanon na nasa ibat-ibang panig ng bansa at aborad suportahan natin ang sariling atin sa pamamagitan ng on line voting.