January 13 is non-working holiday in Romblon town

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Idineklara ng pamahalaang lokal ng bayan ng Romblon, Romblon na non-working holiday ang araw ng Biyernes, January 13, sa bayan nila para sa pagsisimula ng Biniray Festival 2017.

Alinsunod ito sa Executive Order No. 02-2017 na nilagdaan ni Mayor Mariano Mateo.

Araw ng biyernes magsisimula ang 'Ton-Ton' na bahagi ng Biniray Festival na magtatapos naman sa January 23.