Mahigit 500 katao, tumakbo para sa Simbahan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 27 July 2015

Sa pakikipagtulungan ng Serve Yield N' Connect o SYNC sa Globe Telecom at iba pang major sponsors, masayang idinaos ang isang color fun run for a cause sa bayan ng Odiongan nitong Linggo, July 27, 2015.

Dinaluhan ang nasabing fun run ng mahigit 500 katao mula pa sa iba't ibang barangay sa bayan ng Odiongan.

Umikot ng halos 5km ang mga sumali sa takbuhan.

Ayon kay Dra. Joy Selodio, ang mga nalikum sa nasabing event ay mapupunta sa pagpapaayos ng tatlong simbahan ng Foursquare Gospel of the Philippines (Balinsasayao Foursquare Gospel Church, Libertad Foursquare Gospel Church, Tumingad Foursquare Gospe Church),

Maliban sa fun run, nagkaroon ng color party, zamba (zumba) contest.